ABYG kung hindi ako umattend sa family gathering?

Working mom ako. Fully breastfeeding. May family gathering sa side ni husband mamaya after work. Kaya lang babyahe ng halos 3 oras. Isama daw namin si baby. 4-month old na siya.

Di ako pumayag kasi pagod ako galing trabaho, tapos nakakapagod bumyahe, may motion sickness pa ko na mas triggered kapag pagod bumyahe. Iniisip ko palang napapagod na ko. Tapos pagdating dun makiki-socialize pa sa mga pinsan while karga ko si baby. Anxious din ako sa mga usong sakit ngayon na mga bata dinadapuan. Saka isang concern ko pa, madidisrupt ang tulog ni baby kasi 8PM siya natutulog. Wala ring budget ngayon asawa ko sa pang-gas ng sasakyan. So ako nanaman toka maghanap ng budget para dun.

Gusto ko sana makapunta para makita rin sila, kaya lang, bagsak na katawan ko after work dahil pumping ako sa work. Mas gusto ko nalang makibonding sa anak ko pagdating ng bahay at magpahinga.

So, ABYG kung nag-refuse ako pumunta sa gathering?