Batttle-winning Round 2s?

Matapos panoorin ang Tipsy D vs Mzhayt, pansin naman natin lahat na ang round 2 niya ang nakapagpabago talaga ng takbo ng laro. Another example would be Loonie vs Tipsy D, arguably the greatest 1v1 battle sa FlipTop.

Nakalimutan ko kung saan ko narinig/napanood (sa BID yata), na sinabing kadalasan talaga ang round 1 at 3 ang binubuhusan ng magagandang linya't bara. Of course, ideally dapat all three rounds maganda ang piyesa ng isang battle emcee. Pero kung maganda ang round 2 mo, may chance na ma-surprise ang kalaban at magbago ang momentum ng battle. From those two examples above, nakita rin natin na "defused" ang round 3s ng mga kalaban ng nanalo.

Sa tingin ko may napanood na rin ako na mga ganitong battles, pero hindi ko siya ma-lista sa isip ko. Gusto ko mag-binge tuloy ng mga battles na may malalakas na round 2s para tignan na rin kung may ganito talagang epekto.

Ano pa ang examples ng mga battles na may napakalakas na round 2s? Sa tingin niyo ba effective strategy din sa isang battle emcee na pagbuhusan ang round 2s nila? Assuming na syempre, all three rounds dapat maganda.