Umaalis ako kapag parating na yung isang friend ng gf ko

I’m in wlw relationship, lagi ako sinasabit ng gf ko kapag may ganap sila ng friends nila. Close close ko na rin naman yung ilang friends nya, pero may isa lang na bwisit na bwisit ako, alam ko naman na sabit ako pwede tngin pa rin hahaha. Di ko kasi malimutan yung Zambales trip namin. Nagpasundo pa sya (yung kinakainisan ko) sa manila knowing na lahat kami e taga cavite, na mahal naman daw bayad namin sa Van kaya okay lang daw yun. E pare parehas lang naman kami ng ambagan! Bwisit aga tuloy namin gumising para sa kanya hahaha tapos ang malala pa eh my gf booked a grab for them (sa fund namin kinuha) kasi baka ma-ticketan kami dun sa pinaghihintayan sa kanila. Sa layo namin, nauna pa rin kami.

At dun sa campsite na wala silang dalang tent at nakikipagswap sila sa may mga dalang malaking tent kasi di sila kasya ng jowa nya sa available sa parentahan ng tent. At ang nakakainis eh yung supposed to be na tent namin ng gf ko yung pinaswap ng gf ko kesyo kasya naman daw kami sa sa tent na for single lang. Ang sikip na, iba pa amoy nung tent. Hayop talaga Hahaha

Tapos pagdating ng group picture taking sabi nya iwan daw yung younger sis ni gf para may magbantay ng gamit haha tangina sagad na sagad na talaga ako sa pagka entitled ng babae na yon.

And nung uwian, alam naman nyang sobrang traffic sa manila at may pasok pa kinabukasan, nagpahatid pa talaga sa kanila, sa layo nila. Ayun gabi na kami umuwi at badtrip lang ako sa trip na yun.

Kaya kapag may get together, nagpapakita lang ako sa kanila then umuuwi na ko at naiiwan si gf kapag parating na yun para di ko na maaalala yung bwisit na trip na yon hahahahahahahaha