Di kami close ng mga kapatid ko

Nakakainggit yung magkakapatid na super close, yung tipong di mo na kailangan ng friends kasi strong na ang support system mo dahil sa siblings/parents mo.

Panganay ako (F28) sa magkakapatid (F25 & M19) and nagtry akong makipag close sa mga kapatid ko… giving them gifts, giving them advices, being clingy with them, cooking for them, etc… pero still, feeling ko di naman nila ako na appreciate. Madalas pa nila ako sungitan. Mas gusto pa nila kasama/kausap mga kaibigan nila kesa sakin. Anyway sumuko na rin ako, nalulungkot lang talaga ako kasi hindi masyado maganda relationship namin.

Buti pa yung sisters ng boyfriend ko, pag pumupunta ako sakanila, sobrang excited sila sakin and would hug me, parang sila pa nga yung mga tunay kong kapatid.

Kaya if meron kayong mga kapatid na nagtatry mag reach out sainyo, let them know na u appreciate them and let them know na u love them.